Use LEFT and RIGHT arrow keys to navigate between flashcards;
Use UP and DOWN arrow keys to flip the card;
H to show hint;
A reads text to speech;
6 Cards in this Set
- Front
- Back
ay isang akto ng paglalatag ng mga plano at adhikain ng isang proyekto ng isang pangkat. Ang pangunahing tuon ng kapakinabangang idudulot ng naturang panukala ay ang mga tao sa isang tiyak na komunidad na saklaw ng ilulunsad na programa. |
ANO ANG PANUKALANG PROYEKTO? |
|
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT |
• Mga Pag-uukulan Kailangang tukoy na ng organisasyon ang iba’t ibang pangkat na pag-uukulan ng panukala upang maisaalang-alang ang dinamismo ng mga ito sa pagpaplano ng kabuuang daloy ng proyekto.
• Mga Posibleng Balakid Isa-isahin ang mga dapat iwasang bunga ng panukala upang matukoy rin nang husto ang mainam na estilong dapat ilapat sa pagpaplano at pagsulat. • Impormasyon at Pananaliksik Hindi lamang isang naratibo ng plano ng proyekto ang panukalang papel; bagkus, isa itong bungang saliksik at pag-aaral ng mga datos, impormasyon, at pananaw ng mga ekspertong may kinalaman sa tinatalakay na proyekto o aspekto nito. Isinasama rin ang mga pag-aaral sa dati nang panukalang proyektong nagamit. • Layunin at Misyon ng Organisasyon Kailangang salaminin ng proyekto ang mga adbokasiya at prinsipyo ng organisasyong naglulunsad ng proyekto bilang pagtitibay sa misyon nito at upang maging malapit sa interes nito at pagsusumikap na maabot ang tagumpay sa pagsasakatuparan ng proyekto. |
|
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG PANUKALA |
• Bago Sumulat ng Panukalang Proyekto 1. Makipanayam sa mga inaasahang benepisyaryo o tagapakinabang ng proyekto. 2. Magbalik-suri sa mga nakaraan nang panukala. 3. Magbalik-suri sa mga ulat ng pagmamasid at pagsusuri ng mga nakaraang proyekto. 4. Maglunsad ng mga tutok na pangkatang talakayan (focus group discussion). 5. Aralin ang pinakahuling estadistikang kaugnay ng proyekto. 6. Kumapanayam ng mga dalubhasa sa larang na kaugnay ng proyekto. 7. Magsagawa ng mga pag-aaral tulad ng sarbey. 8. Magpatawag ng mga pulong o konsultasyon sa komunidad. 9. Masinsing planuhin ang kabuuang plano ng proyekto. |
|
Aktuwal na Pagsulat ng Panukalang Proyekto |
1. Gumawa ng kalansay na balangkas ng mga bahagi ng panukalang proyekto. 2. Sinsinin ang mga datos at impormasyong pinagbatayan at ginamit noong nasa yugto pa lamang ng pagpaplano para sa kabuuang daloy ng proyekto.
3. Ipangkat ang mga datos batay sa paggagamitan at kalalagyang bahagi ng panukalang proyekto. 4. Sagutin ang mga susing tanong na gabay sa mga inaasahang dapat lamanin ng bawat bahagi ng panukala 5. Ilapat sa isang matrix na paraan ng paglalahad ang mga gastusin sa proyekto. 6. Isa-isang isulat sa malayang paglalahad ang bawat bahagi ng panukalang proyekto. 7. Ilapat ang matrix ng gastusin na nauna nang ginawa. 8. Sa pagsulat ng talatakdaan, gumamit ng ibang paraan ng presentasyon. Huwag itong ilahad sa paraang pasalaysay. 9. Gumamit ng mga bullet point kung kinakailangan sa pag-iisa-isa ng mga baryabol, ngunit tiyaking angkop at may tamang balarila at pagbabantas. 10. Kapag buo na ang unang borador, muli itong balikan at basahin para sa pagwawasto. 11. Isulat nang muli ang naisaayos na borador para sa pinal na kopya. Basahin muli at tingnan kung tama na ang lahat. 12. Ipabasa ang kopya sa mga kasamahan o sa karampatang nakatataas na dapat mag-apruba ng pinal na kopya. 13. Maaari nang ihain sa kinauukulan ang pinal at aprubadong kopya. |
|
Huwag gumamit ng mga salita o katagang opensiba sa alinmang sektor na sangkot sa proyekto. |
Bigyang-diin sa pagpaplano ang mga kalakasan ng inyong pangkat at tiyaking masasalamin ang mga ito sa panukalang papel. |
|
Specified Immediate Measurable Practical Logical Evaluable |
SIMPLE |