• Shuffle
    Toggle On
    Toggle Off
  • Alphabetize
    Toggle On
    Toggle Off
  • Front First
    Toggle On
    Toggle Off
  • Both Sides
    Toggle On
    Toggle Off
  • Read
    Toggle On
    Toggle Off
Reading...
Front

Card Range To Study

through

image

Play button

image

Play button

image

Progress

1/20

Click to flip

Use LEFT and RIGHT arrow keys to navigate between flashcards;

Use UP and DOWN arrow keys to flip the card;

H to show hint;

A reads text to speech;

20 Cards in this Set

  • Front
  • Back

Ito ay mga pahayag na ginagamit upang bigyan-diin ang isang kaisipan o damdamin.

Tayutay

“SIMILI” ang ibang katawagan dito. Ito ay ang paghahambing ng dalawang kaisipan gamit ang mga katagang tulad ng, paris ng, animo’y, kawangis, tila, sing, sim, magkasing at iba pa.

Pagtutulad

“METAPORA” ang ibang katawagan dito. Ito ay tuwirang paghahambing ng dalawang kaisipan. Hindi na ito ginagamitan ng mga pangatnig.

Pagwawangis

“PERSONIPIKASYON” ang ibang katawagan dito. Ito ay ang paglalapat ng kilos ng tao sa mga bagay na walang buhay.

Pagsasatao

“HAYPERBOLI” ang ibang katawagan dito. Ito ang lubhang pagpapakulang o pagpapasidhi sa isang karaniwang imahe.

Pagmamalabis

“SARCASM” ang ibang katawagan dito. Kabaligtaran ang estilo ng pagpapakahulugan nito. Layunin nitong pumuna nang hindi nahahalata.

Pag-uyam

“SINEKDOKI” ang ibang katawagan dito. Ito ang pagbanggit ng bahagi bilang kabuuan.

Pagpapalit-saklaw

“METONIMI” ang ibang katawagan dito. Ito ang pagpapalit ng katawagan sa isang imahe o paksa.

Pagpapalit tawag

“ONOMATOPEA” ang ibang katawagan dito. Ang tunog ay siya nitong kahulugan.

Paghimig

“APOSTROPI” ang ibang katawagan dito. Ito ay ang pagtawag o pagkausap sa sinuman o anuman na waring kaharap ito kahit hindi naman.

Pagtawag

“PARADOX” ang ibang katawagan dito. Ito ay ang paglalahad ng magkasalungat na kaisipan ngunit ang kabuuan ay makatotohanan.

Kabalintunaan

“EUPEMISMO” ang ibang katawagan dito. Ito ang paggamit ng mga salitang nagpapabawas sa tindi ng kahulugan ng orihinal na salita.

Paglumanay

Ito ay isang uri ng tanong na hindi naman kailangan ng sagot. Ang layunin nito ay maikintal sa isipan ng mga tagapakinig ang mensaheng nais iparating.

Tanong retoriko

“OKSIMORON” ang ibang katawagan dito. Ito ang paggamit ng mga nagsasalungatang salitang pinag-uugnay upang makabuo ng makabuluhang pahayag.

Pagtatambis

“TRANSFERRED EPHITET” ang ibang katawagan dito. Ito ang paggamit ng mga pang-uri upang bigyang buhay ang mga bagay.

Pagpapalit wika

“IRONYA” ang ibang katawagan dito. Ito ang paggamit ng mga salungatang sitwasyon upang mas maging kaakit-akit ang pahayag.

Parikala

Ito ay isang uri ng pananalita o pagsasalaysay kung saan ang mga salita o imahe ay may mas malalim na kahulugan.

Talinghaga

Ang paggamit ng nito ay pagkakaroon ng tinatawag na "alter ego" ay maaaring dagdagan ang damdamin at kahulugan ng tula.

Persona

Ito ay ang bilang ng pantig sa bawat taludtod, samantalang ang tugmaan ay ang pagkakaroon ng parehong tunog ng huling pantig sa dalawang linya.

Sukat at tugmaan

Ito ay maaaring magbigay-buhay sa damdamin o konsepto na nais iparating ng makata.

Imahinasyon