• Shuffle
    Toggle On
    Toggle Off
  • Alphabetize
    Toggle On
    Toggle Off
  • Front First
    Toggle On
    Toggle Off
  • Both Sides
    Toggle On
    Toggle Off
  • Read
    Toggle On
    Toggle Off
Reading...
Front

Card Range To Study

through

image

Play button

image

Play button

image

Progress

1/31

Click to flip

Use LEFT and RIGHT arrow keys to navigate between flashcards;

Use UP and DOWN arrow keys to flip the card;

H to show hint;

A reads text to speech;

31 Cards in this Set

  • Front
  • Back

Maxwell McCombs at Donald Shaw

ayon sa kanila, ang pangmadlang midya ang nagtatakda kung ano ang pag- uusapan ng publiko.

George Gerbner

Ang midya lalo na angtelebisyon, angtagapagsalaysay ng lipunanna lumilinang sa kaisipan ngmga madalas manood naang mundo’y magulo atnakakatakot.

Marshall McLuhan

Binabago ng midya ang simbolikong kapaligiran ng mga tao at naiimpluwensiyahn nito ang kanilang pananaw, karanasan, ugali, at kilos kung kaya’t masasabing “ang midyum ay ang mensahe

Stuart Hall

Ang midya ay nagpapanatili sa ideolohiya ng mga may hawak ng kapangyarihan sa lipunan.

pagbuo ng kritikal na pagtingin sa mga impormasyon

isa sa Anim na paraan upang malaman ang Fake News

Mass Media o pangmadlang midya

ginagamit ng karamihan na mapagkukunan ng impormasyon at balita. Ito ay nangangahulugang teknolohiya na inilaan upang maabot ng impormasyon ang madla. Ito ay pangunahing paraan ng komunikasyon na ginagamit upang maabot ang karamihan sa pangkalahatang publiko.

pananaliksik

isang maingat at detalyadong pag-aaral sa isang tiyak na problema, pag-aalala, o isyu gamit ang pamamaraang pang-agham.

Kailangang malinaw ang tukoy ng paksa at layon ng pananaliksik

isa sa mga Dapat isaalang-alang sa pagpili ng batis ng impormasyon

Magpansinan muna tayo bago magpapansin sa iba

isa sa Limang hakbangin upang mapaunlad ang pananaliksik mula sa at para sa mga Pilipino

batis ng impormasyon

ang pinanggagalingan ng mga katunayan na kailangan para makagawa ng mga pahayag ng kaalaman hinggil sa isang isyu, penomeno, o panlipunang realidad.

Primaryang Batis

mga orihinal na pahayag, obserbasyon at teksto na direktang nagmula sa isang indibidwal, grupo o institusyon na nakaranas, nakaobserba, o nakapagsiyasat ng isang paksa o penomena

Sekundaryang Batis

pahayag ng interpretasyon, opinyon at kritisismo mula sa indibidwal, grupo, o institusyon na hindi direktang nakaranas, nakaobserba o nagsaliksik sa isang paksa o penomeno.

malinaw niya agad ang sagot

isang kalakasan ng harapang ugnayan

ang makatipid sa pamasahe at panahon

isa sa Kalakasan ng mediadong ugnayan

eksperimento

isang kuwantitatibong disenyo ng pananaliksik kung saan sinusukat ang epekto ng dependent variable, na tinatalaban ng interbensiyon.

INTERBYU

Isang interaksyon sa pagitan ng mananaliksik bilang tagapagtanong, at tagapoakinig, at ng tagapagbatid na siyang tagapagbahagi ng impormasyon 1. Estrukturadong Interbyu 2. Semi- estrukturadong Interbyu


3. Di-estrukturado

Focus Group Discussion

Semi estrukturadong talakayan na binubuo ng tagapagpadaloy na kadalasay ginagampanan ng manananaliksik na , at anim hanggang sampung kalahok.

may naiisip, nababanggit, at napagtatanto ang mga kalahok kapag silay magkakasamang nag-uusap

isa sa Bentahe ng FGD

may dominante sa grupo

isa sa Kahinaan ng FGD

Pakikisangkot habang pakapa-kapa

Isang eksplorasyon hingil sa isang paksa sa konteksto ng pamumuhay ng mga tao sa isang komunidad gamit ang mga katutubong pamamaraan ng pagkuha ng datos kagay ng “pagmamasid, pagtatanong tanong, pagsubok, pagdalaw, pakikilahok, at pakikisangkot

Pagtatanong-tanong

1. kung ang impormasyong sinisiyasat ay makukuha sa higit sa isang tagapagbatid 2. kung hindi tuwirang matanong ang mga taong may direktang karanasan sa paksang sinisiyasat 3. kung di pa tiyak kung sino ang may kaalaman o karanasan hinggil sa paksa 4. kung nais maberepika ang mga impormasyong nakuha mula sa ibang tagapagbatid

Pakikipagkwentuhan

Ito ay isang di-estrukturadong at impormal na usapan ng mananaliksik at mga tagapagbatid na hinggil sa isa o higit pang mga paksa kung saan ang mananaliksik ay walang ginagamit na tiyak na mga tanong at hindi niya pinipilit at igaya ang daloy sa isang direksyon.

Pagdadalaw-dalaw

Ang pagpunta-punta at pakikipag-usap ng mananaliksik sa tagapagbatid upang sila ay makakilala; matapos magpakilala at makuha ang loob ng isa’t isa.

Pakikipanuluyan

Pang matagalan at masaklaw na pamamaraan dahil ginawa ito sa loob ng maraming araw sa kaakibat ng iba pang mga espesipikng amamaraan ng pagkuha ng datos.

Pagbabahay-bahay

Hindi lamang pumupunta sa bahay ng tagapagbatid ang mananaliksik, nag mamasid, nagtatanong tanong, at nakikipag kuwentuhan at nakikipag panayam din.

Pagmamasid

Ito ay pag-oobserba gamit ang mata, tainga, at pandama sa tao, lipunan, at kapaligiran. Kung kaakibat ng pakikiramdam ang pagmamasid ay maaaring matantiya ng mananaliksik kung “maari siyang magpatuloy o hindi sa mga susunod hakbangin” sa pananaliksik.

Gamitin ang online public access catalog (OPAC)

isa sa Paalala sa paghahanap ng batis ng impormasyonsaaklatan

Walang hayag na kinikilingang tao, grupo, o institusyon

isa sa: Bigyang prayoridad ang online news sites na:

Maaaring gumamit ng pamamaraan ng coding na angkop sa disenyo ng pananaliksik.

isa sa Pag-uugnay-ugnay ng Impormasyon

Iwasan ang mapanlahat na pahayag kung kakaunti lang ang bilang ng kalahok o tinanong.

isa sa Pagbubuod ng Impormasyon

Gumamit ng angkop na panauhang pananaw.

isa sa Pagbuo ng Pahayag ng Kaalaman