Use LEFT and RIGHT arrow keys to navigate between flashcards;
Use UP and DOWN arrow keys to flip the card;
H to show hint;
A reads text to speech;
49 Cards in this Set
- Front
- Back
Maaaring matuto ng wika sa pamamagitan ng pagkontrol at pagganyak, katulad ng pagpapabuya at pagpaparusa |
Teoryang Behaviorism |
|
Habang lumalaki ang bata ay patuloy itong gumagamit ng wika, wika na siyang pagpapaunlad nito. |
Teoryang Innative o Nativist Approach |
|
Mas natuto ang isang tao sa isang wika kung positibo ang pananaw nito ukol sa naturang wika |
Teoryang Kognitib |
|
Binibigyang halaga sa teoryang ito ang kahalagahan ng damdamin at emosyon ng isang tao |
Teoryang Makatao |
|
Maaari raw na ang ating mga ninuno ay may ideya ng pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay |
Teoryang Eureka |
|
Maaaring ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng pinanggagalingan ng mga mahika o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno |
Teoryang Hocus Pocus |
|
ang wika raw ay nagmula sa mga walang kahulugang bulalas ng tao |
Teoryang Babble Lucky |
|
Katulad ng teoryang ta-ta, pinag uugnay ng teoryang ito ang tunog at kilos ng pangangatawan |
Teoryang Yum Yum |
|
Ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol |
Teoryang Coo Coo |
|
Nagmula ang wika sa mga tunog na nagbabadya ng pagkakakilanlan (Ako!) at pagkakabilang (Tayo!) |
Teoryang Hey You |
|
Ang wika ay nagmula sa paglalaro, pagtawa, pangbulong sa sarili, panliligaw at iba pang mga bulalas-emosyonal |
Teoryang Sing-Song |
|
Nagmula ang wika sa mga pinakamadaling pantig na pinakamahalagang bagay |
Teoryang Mama |
|
Ito ay limitado sa mga kalikasan lamang kung di maging sa mga bagay na likha ng tao |
Teoryang Ding Dong |
|
Ang kumupas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog |
Teoryang Ta ta |
|
Ang wika raw ng tao at nag ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa mga ritwal |
Teoryang Ta ra ra boom de ay |
|
nagagamit sa paglikha ng maraming tunog |
Dila |
|
anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala |
Wika |
|
Ang wika ay masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa ibang kultura |
Henry Gleason |
|
"ang wika ay pangunahin at pinaka-elaboreyt na anyo ng simbolikong gawang pantao" |
Archibald A. Hill |
|
"ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o makipagkomunikasyon ang isang grupo ng mga tao" |
Constantino at Galileo Zafra |
|
nangangahulugang walang tiyak na batayan |
Arbitraryo |
|
nagbibigay kahulugan sa wika bilang gamit ng tao sa lahat ng aspeto ng lipunan |
Linggwistikong komunidad |
|
"ang linggwistikong komunidad ay isang pangkat ng mga taong nagkakaunawaan sa layunin at estilo (salita, tunog, ekspresyon) kanilang pakikipag-ugnayan sa paraang sila lamang ang nakakaalam" |
Labov |
|
"ito at komunidad ng mga taong kabilang sa isang patakaran at pamantayan ng isang barayti ng wika na ginagamit sa komunikasyon at pakikipag-unawaan" |
Dell Hymes |
|
"ito ay grupo ng mga taong kabilang sa paggamit ng isa o higit pang barayti ng wika. Kung saan sila ay nagkakasundo sa patakarang ito, na ginagamit nila sa pang araw-araw na pakikipagkomunikasyon" |
Ottenhaimer |
|
Ang gamit ng wika kung ginagamit ito upang maisakatuparan ang nais na mangyari. Upang matugunan ang pisikal, emosyonal, o sosyal na pangangailangan ng tao |
Instrumental |
|
Ang gamit ng wika kung ginagamit ito upang kontrolin o magbigay gabay sa kilos o asal ng ibang tao. Ito ang magtatakda kung ano ang dapat o hindi dapat gawin ng isang tao. |
Regulatori |
|
Ang gamit ng wika kung ito'y ginagamit sa pagbabahagi ng impormasyon— mga pangyayari, makapagpapahayag ng detalye, makapagpadala at makatanggap ng mensahe sa iba. |
Representasyunal |
|
Ang gamit ng wika kung ginagamit ito ng tao sa pagpapanatili at pagpapatatag ng relasyong sosyal sa kapwa. Paggamit ng mga pormularyong panlipunan. |
Interaksyunal |
|
Ang gamit ng wika kung ginagamit ito sa pagpapahayag ng sariling personalidad batay sa sariling kaparaanan, damdamin, pananaw o opinyon. |
Personal |
|
Ang gamit ng wika kung ginagamit ito sa paghahanap o pag-hingi ng impormasyon upang makapagtamo ng iba't ibang kaalaman sa mundo. Madalas din itong ginagamit sa paaralan upang makapagtamo ng kaalamang akademik at propesyonal. |
Heuristiko |
|
Ang gamit ng wika kung ginagamit ito sa pagpapalawak ng imahinasyon ng isang tao. Ginagamit ang wika upang makawala panandali ang tao sa reyalidad at magagawa nitong makarating kahit sa napakaimposibleng daigdig. |
Imahinatibo |
|
speech community na yaong mga miyembrong kabilang at nagkakasundo sa isang koda na sila lamang ang nagkakaunawaan. |
Homogenous |
|
Nakapagsasalita o nakakaintindi ng isang wika |
Monolinggwal |
|
speech community na yaong mga miyembrong may tuwirang ugnayan sa iba pang pangkat ng tao sa lipunan |
Heterogenous |
|
Tawag sa kaalaman at pagkatuto sa dalawang wika |
Bilinggwismo |
|
ang tawag sa kaalaman at pagkatuto ng higit sa dalawang wika |
Multilinggwalismo |
|
Pag aaral at pagsusuri ng pagkaka-ibaiba ng wika bilang mahalagang bahagi ng sosyolinggwista |
Baryasyon ng Wika |
|
Nagkakaroon ng baryasyon ng wika dahil sa lokasyong kinalalagyan ng mga taong gumagamit nito. |
Heyograpikal |
|
Ang mga taong magkakalapit o may ugnayan ay halos magkakatulad ang paraan ng pananalita |
Sosyal |
|
Ang minsang pag-iiba natin ng salita ay depende sa sitwasyon at kontekstong ating kinasasangkutan. |
Kontekstwal |
|
Tumutukoy sa anumang kapansin-pansin na anyo ng wika o uri ng pananalita ng isang tao o grupo ng taong gumagamit nito. |
Barayti ng wika |
|
Ang kapansin-pansin na paraan ng paggamit ng wika o nakagawian na pananalita ng isang tao na yunik sa kanya. Kabilang dito ang ginagamit na bokabularyo, gramatika at pagbigkas. |
Idyolek |
|
Nalilinang mula sa rehiyong kinabibilangan ng isang tao. Nabubuo ito dahil sa pagkakahiwalay ng lokasyon. |
Dayalek |
|
Barayti ng wika na ginagamit sa isang partikular na social strata o grupo ng iba't-ibang uri o klasipikasyon ng mamamayan sa lipunan. |
Sosyolek |
|
Ginagamit sa isang partikular na layunin o sa isang partikular na tanawing panlipunan. May kaugnay sa paggamit ng estilong pormal o impormal, alinsunod sa paksang tinatalakay, sa mga nakikinig o kinakausap, sa okasyon atbp. |
Register ng Wika |
|
Tumutukoy sa paksa o larangang pinag-uusapan at ang mga taong nag-uusap sa loob nito. |
Field |
|
Tumutukoy sa relasyon ng mga taong nag-uusap sa ibang sitwasyon. |
Tenor of Discourse |
|
Tumutukoy sa paraan o kung paano nag-uusap ang mga tagapagsalita, pasulat o pasalita |
Model of Discourse |