• Shuffle
    Toggle On
    Toggle Off
  • Alphabetize
    Toggle On
    Toggle Off
  • Front First
    Toggle On
    Toggle Off
  • Both Sides
    Toggle On
    Toggle Off
  • Read
    Toggle On
    Toggle Off
Reading...
Front

Card Range To Study

through

image

Play button

image

Play button

image

Progress

1/39

Click to flip

Use LEFT and RIGHT arrow keys to navigate between flashcards;

Use UP and DOWN arrow keys to flip the card;

H to show hint;

A reads text to speech;

39 Cards in this Set

  • Front
  • Back

Xing at Jin

“Ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika, at iba pang mga elemento.

Badayos

Ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa nakararami sa atin maging ito’y pagsulat sa una o pangalawang wika man.

Keller

Ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan, at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito.

Peck at Buckingham

Ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng tao mula sa kanyang pakikinig, pagsasalita, at pagbabasa.

Sosyo Kongnitibong Pananaw sa Pagsulat

ang pagsulat ay kapwa mental at sosyal na gawain.

Intrapersonal at Personal

ang pagsulat ay kapwa proseso ng pakikipag-usap sa sarili at sa mambabasa.

Layuning Ekspresibo

Ito ay pagpapahayag ng iniisip o nadarama. Ito ay isang personal na layunin sa pagsusulat.

Layuning Transaksyonal

Ito ay pakikipag-ugnayan sa ibang tao sa lipunan. Tinatawag din itong sosyal na layunin sa pagsusulat.

Impormatibong Pagsulat

naghahangad na makapagbigay ng impormasyon at mga paliwanag. Pokus nito ang mismong paksang tinatalakay sa teksto.

Mapanghikayat na Pagsulat

Naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang katuwiran, opinyon, o paniniwala. Pokus nito ang mambabasa na nais maimpluwensyahan.

Malikhaing Pagsulat

Ito ay ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikang tulad ng maikling katha, nobela, tula, tula, at iba pa. Layunin nito’y magpahayag lamang ng kathang-isip, imahinasyon, ideya, o damdamin

Akademiko

Sulating isinasagawa bilang kahingian sa paaralan. Ito ay isang intelektwal na sulating karaniwang isinasagawa ng mga mag-aaral, guro, at mananaliksik.

Journalistic

Kadalasang isinasagawa ng mga mamamahayag. Ito ay isang espesyalisadong uri ng pagsulat kung saang isang partikular na larangan lamang ang nagsasagawa nito, subalit para sa lahat ng mambabasa.

Teknikal

Isang espesyalisadong uri ng pagsulat na tumtugoin sa mga kognitibo at sikolohikal na pangangailangan ng mambabasa, at minsan, maging manunulat mismo.

Propesiyonal

Nakatuon sa o ekslusibo sa isang tiyak na propesyon. Police report, investigative report, legal researches, medical report, banghay aralin, at iba pa.

Malikhain

Pokus nito ang imahinasyon ng manunulat, bagaman maaari itong piksyon o di-piksyon. , awit, at iba pa.

Epektibong Pananaliksik

Kailangan gumamit ng napapnahon, propesyonal, at akademikong hanguan ng mga impormasyon. Napakahalaga ng pananaliksik sa akademikong pag sulat.

Akademikong Pagsulat

Ano mang pagsulat na isinasagawa upang makatupad sa isang pangangailangan sa pag-aaral.

Katotohanan

Ang isang mahusay na akademikong papel ay nagpapakita na ang manunulat ay nakagagamit ng kaalaman at metodo ng disiplinang makatotohanan.

Ebidensya

Ang mga iskolar sa lahat ng disiplina ay gumagamit ng mga mapagkakatiwalaang ebidensya upang siportahan ang katotohanang kanilang inilalahad.

Balanse

Nagkakasundo ang halos lahat ng akademya na sa paglalahad ng mga haka, opinyon, at argumento ay kailangang gumamit ng wikang walang pagkiling, seryoso at di-emosyonal nang maging makatuwiran sa nagsasalungatang pananaw.

Obhetibo

Hindi personal. Ang pokus nito kadalasan ay ang impormasyong nais ibigay at ang mga argumentong nais gawin, sa halip na manunulat mismo o ang kanyang mambabasa.

Tumpak

Sa pagsulat, ang mga datoe tulad bg facts and figures ay inilalahad nang walang labis o kulang.

Reperensyal

Naglalayong magrekomenda ng mga sanggunian hinggil sa isang paksa.

Mapanuring Layunin

Tinatawag din itong analitikal na pagsulat. Layunin nitong magpaliwanag at magsuri ng posibleng sagot sa isang tanong at piliin ang pinakamahusay na sagot batay sa ilang Batayan


Tinatawag din itong analitikal na pagsulat. Layunin nitong magpaliwanag at magsuri ng posibleng sagot sa isang tanong at piliin ang pinakamahusay na sagot batay sa ilang Batayan

Matibay na Suporta

Ang katawan ng talataan ay kailangang may sapat at kaugnay na suporta para sa pamaksang pqngungusap at tesis na pahayag.

Eksplisit

Responsibilidad ng manunulat na gawing malinaw sa mambabasa kung paano ang iba't ibang bahagi ng teksto ay nauugnay sa isa't isa. Gumagamit ng "signaling words."

Kompleks

Mas kompleks kaysa sa pasalitang wika. Mas mayaman sa leksikon at bokabularyo. Kompleksidad ng gramatika.

Responsable

Ang manunulat ay kailangang maging responsable lalong-lalo na sa paglalahad ng mga ebidensiya, patunay, o ano mang nagpapatibay sa kanyang argumento.

Malinaw at Kumpletong Eksplanasyon

Bilang manunulat, kailangang matulungan wng mambabasa tungo sa gnap na pag-unawa ng paksw ng papel at magiging posible lqmang ito kung magiging malinaw at kumpleto ang pagpapaliwanag sa bawat punto ng manunulat.

Pormal

Hindi angkop rito ang mga kolokyal at balbal na salita

Iskolarling Estilo sa Pagsulat

Sinisikap dito ang kalinawan at kaiiklian. Kailangan ding maging madaling basahin ang akademikong papel, kung kaya't napakahalqgq na maiwasan ang mga pagkakamali sa gramar, ispeling, pagbabantas, at bukabolaryo.

Wasto

Gumagamit ng wastong bokabularyo o mga salita. Maingat dapat ang manunulat nito sa pag gamit ng mga salitang madalas katisuran o pagkamalian ng mga karaniwang manunulat.

Lohikal na Organisasyon

Akademikong pagsulat ay may sinusunod na istandard na organisasyonal na hulwaran. Ang karamihqng akademikong papel ay may introduksyon, katawan at kongklusyon.

Malinaw na Pananaw

Akademikong pag sulat ay di lamang ng mga katotohanan o facts at pag lalagom ng mga hanguan o sources. A

May Pokus

Bawat pangungusap at bawat talata ay kailangang sumuporta sa tesis na pahayag. Kailangan iwasan ang mga hindi kailangan, hindi nauugnay, hindi mahalaga at taliwas na impormasyon.

Impormatibong Layunin

Ipinapaliwanag dito ang mga posibleng sagot sa isang tanong upang mabigyan ang mambabasa ng bagong impormasyon o kaalaman hingil sa isang paksa.


Mapanghikayat na Layunin

Layuning manghikayat ng mambabasa na maniwala sa kanyang panig hinggil sa isang paksa

Malinaw na Layunin

Ang layunin ng akademikong pag sukat ay matugunan ang mga tanong kaugnay ng isang paksa. Ang tanong na ito ang nag bibigay ng layunin.