Use LEFT and RIGHT arrow keys to navigate between flashcards;
Use UP and DOWN arrow keys to flip the card;
H to show hint;
A reads text to speech;
22 Cards in this Set
- Front
- Back
Pagsulat
|
Artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala at nararamdaman na ipinahayag sa paraang pasulat, limbag at elektroniko.
|
|
Pormal
|
Sulating may malinaw na daloy at ugnayan ng mga pangunahing paksa at detalyadong pagtatalakay ng balangkas sa paksa.
|
|
Di Pormal
|
Malaya ang pagtatalakay sa paksa, magaan ang pananalita at may pagkapersonal sa sulat nito. Kabilang dito ang di-pormal na sanaysay, talaarawan, blog at marami pang iba.
|
|
Komposisyon
|
Pinakapayak na paraan ng pagsulat. Simpleng pagsulat ng natatanging karanasan ng isang tao, pagbibigay-interpretasyon sa mga pangyayari sa kanyang kapaligiran. Pagbibigay-puna sa nababasang akda o napanood na pagtatanghal.
|
|
Uri ng Komposisyon
|
1. Pagsasalaysay/Naratibo
2. Paglalahad/Ekspositori 3. Paglalarawan/Deskriptibo 4. Pangangatwiran/Argumentatibo |
|
Pagsasalaysay/Naratibo
|
Pagkukwento, maaaring maibatay sa karanasan, naririnig, nabasa, naisip, nakita o maaaring kathang-isip lamang. Ang pamagat ay gumigising ng interes ng babasa o makikinig. Maayos ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari at kawili-wili ang wakas na tiyak na mag-iiwan ng kakintalan sa isip.
|
|
2 uri ng Pagsasalaysay
|
1. Patula - Nanganailangan ng Taludtod, Tugma at Sukat.
2. Tuluyan - Isinasalaysay ng tuloy-tuloy. |
|
Iba't ibang uri
|
1. Maikling kwento
2. Nobela 3. Talambuhay 4. Alamat 5. Epiko 6. Kwentong bayan 7. Pabula 8. Parabula 9. Tula |
|
Tula
|
Ang tula ay pagsasama-sama ng mga piling salita na may tugma, sukat at kaisipan. Ang sinusulat nito ay tinatawag na makata. Any tula ay nadaramang mga kaisipan. Ang mahusay na tula ay kinapapalooban ng mga larawang diwa. Ito ay gumigising ng natutulog na damdamin at kamalayan. Pinapagalaw nito ang guniguni ng mga mambabasa at tagapakinig. Tradisyunal at malayang taludturan na may tugma, sukat at talinhaga.
|
|
Tanaga
|
7 pantig sa bawat taludtod at sa bawat saknong, may 4 na linya.
|
|
Diona
|
7 pantig sa bawat taludtod at sa bawat saknong, may 3 linya.
|
|
Tanka
|
Sa sistema nito, may 5 pantig sa una at ikatlong linya habang ang ikalawa, ikaapat at ikalima't huling linya ay may 7 pantig at sa bawat saknong, may 5 linya.
|
|
Pagsasalita
|
Pagsasatunog ng mensahe at pagpapahayag ng damdamin.
|
|
Pagsulat
|
Pagsasatitik ng mensahe at artikulasyon ng mga ideya, paniniwala at nararamdaman.
|
|
Mga bahagi ng komposisyon
|
1. Panimula - pagbanggit sa saklaw, kahalagahan nito, mga layunin at dahilan kung bakit mahalagang sulatin at kung teknikal, kailangang maipaliwanag o magbigay ng kahulugan ng mga katawagan.
2. Katawan - panggitnang bahagi na tumatalakay sa paksa. 3. Wakas/Konklusyon - ibinuod ang nilalamang katawan. |
|
Mga salik sa epektibong pagsulat
|
1. Kaisahan - Ito ang tawag sa pangangailangan ng iisang paksang tatalakayin sa kabuuan ng isang komposisyon.
2. Kohirens/pagkakaugnay-ugnay - Maituturing na may ugnayan ang mga pangungusap sa isang komposisyon kung mahusay ang pagkakahanay ng mga ideya o pangyayaring tinatalakay nito. 3. Pamamaraan - Paggamit ng mga salitang naghahayag ng karagdagan, pagsalungat at bunga ng sinundan. Kasama din ang panghalip panao at pamatlig. 4. Empasis/diin - Ito ang pagbibigay ng higit na pansin sa loob ng isang komposisyon. Maaring ilagay sa una o huling bahagi ng diskurso. |
|
Alusyon
|
Ito ay isang pamamaraang panretorika na gumagamit ng pagtukoy sa isang tao, pook, katotohanan, kaisipan at/o pangyayari na iniingatan sa pinakatagong sulok ng alaala ng isang taong may pinag-aralan.
|
|
Idyoma/Sawikain
|
Ito ay nakakatulong at mabisang sangkap para maging maganda at makabuluhan ang bawat salita na ginagamit at nagpapatalas din ito ng kaisipan.
|
|
Salitang Pantambis
|
Taglay nito ang kariktan ng wika. Tinatawag ito bilang pantambis o pariralang nagpapahiwatig ng kahulugang iba sa literal na kahulugan.
|
|
Mga sangkap ng alusyon
|
Heyograpiya, mitolohiya, literatura at bibliya.
|
|
Mga Kasabihang Pilipino at Salawikaing Tagalog
|
Ang mga kasabihan at salawikain ay naglalayong magbigay-payo at patnubay sa ating pang-araw-araw na buhay. Ang mga Kasabihang Pilipino at Salawikaing Tagalog ay isinasaad sa mga maiiksing pangungusap lamang subalit ang mga ito ay makahulugan at makabuluhan. Ito ay kadalasang tumatalakay din sa mga karanasan ng ating mga ninuno at nakakatanda at naglalayong ituwid ang ating pamumuhay ng naaayon sa kanilang mga naging karanasan.
|
|
Salawikain
|
Ito ay pamana at kalinlangan ng lahi na hindi dapat ipagsawalang-bahala at ibaon sa limot. Ito ay kadalasang mga paalala na may kinalaman sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino.
|