Use LEFT and RIGHT arrow keys to navigate between flashcards;
Use UP and DOWN arrow keys to flip the card;
H to show hint;
A reads text to speech;
26 Cards in this Set
- Front
- Back
Tanikalang nag-uugnay sa lahat ng tao saanmang sulok o lupalop ng mundo. |
Wika |
|
Ayon sa kanya ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura |
Henry Gleason |
|
Ay naniniwala na ang wika at binubuo ng mga simbolo na naghahatid ng walang katapusang kahulugan. |
Wayne Weiten |
|
ay naniniwala na maaaring bigyan ng kahulugan ang wika bilang isang sistema ng pakikipagtalastasan gamit ang mga tunog at mga simbolo na nagagamit upang masabi ang nararamdaman, kaisipan at karanasan. |
Bruce A. Goldstein |
|
Ang wika ay kabuuan ng kaisipan ng lipunang lumikha nito. Ito ay salamin ng lahi at kanyang katauhan. |
Alfred North Whitehead |
|
Ang wika ay isang prosesong mental. May unibersal na gramatika at mataas na abstrak na antas; may magkatulad na katangiang linggwistik. |
Noam Chomsky |
|
Ang wika ay nangangahulugan ng isang buhay at bukas sa sistema na nakikipag-interaksyon. |
Dell Hymes |
|
May gamit na instrumental ang wika. |
M.A.K Halliday / Michael Alexander Kirkwood Halliday |
|
Ang wika ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo na gawain pantao. |
Archibald V. Hill |
|
Ang wika ay nakasalalay sa mga karanasan o pangyayaring natatangi sa isang nilalang. |
Richard Hudson |
|
Isang dalubwika, ang wika ay maituturing na behikulo ng pagpapahayag ng nararamdaman |
Dr. Pamela Constantino |
|
Ang wika ang pinakamahalagang kasangkapan ng tao sa pakikipagtalastasan. |
Mangahis et. at., 2005 |
|
Pinakapopular na teorya; nagsimula sa panggagaya ng sinaunang tao sa mga huni ng hayop. |
Bow-wow |
|
Sinasang-ayunan ng teoryang ito sina Plato at Pythagoras na naniniwala na ang unang wika ay nagmula sa panggagaya sa tunog ng kapaligiran |
Ding-dong |
|
Sa mga hindi sinasadyang salita o nabubulalas o bugso ng damdamin nagmula ang unang salitang nabigkas ng tao. |
Pooh-pooh |
|
Nagsasabi na ang pagkakalikha sa unang tunog o salitang nabigkas ng sinaunang tao ay kasabay ng galaw o kilos ng bahagi ng katawan ng tao. |
Tata |
|
Pinaniniwalaan na ang unang salita ay bunga ng tunog na nilikha ng sinaunang tao kasabay ng kilos ng kanilang katawan habang nagtratrabaho o naghahanapbuhay tulad ng pagbubuhat o kaya naman ay pag-eehersisyo. |
Yo-he-ho |
|
Ang wika ay nagsimula sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga madadaling pantig sa mga mahahalagang bagay. |
Mama |
|
Ayon kay Jeperson, isang lingwistang Danish, ang wika ay nagmula sa paglalaro, pagtawa, panliligaw, at salitang mula sa damdamin ng tao. |
Sing-song |
|
Ayon kay Revesz, isang linggwista, ang tao ay nangangailangan lagi ng pakikipag-ugnayan. Ang wika ay nagsimula upang maipakita ang pangangailangan iyon tulad ng (here I am o narito ako); maaaring sa pamamagitan ng pag-iyak dahil sa takot, galit o sakit |
Hey you! / contact theory |
|
Ayon kay Dr. C. George Boeree, maaarig ang wika ay nag-ugat sa isang kapangyarihan o mahika o may kaugnayan sa relihiyon o paraang pananampalataya ng mga sinaunang tao. |
Hocus pocus |
|
Ang unang wika ay natutunan ng sinaunang tao mula sa mga ritwal na isinasagawa sa kanilang mga gawain gulad ng pagkakasal |
Tarara-boom-de-ay |
|
Ayon sa haring ito, ang wika ay kusang natutuhan ng tao kahit walang nagtutueo o naririnig. |
Haring Psammitikos |
|
Tinapay |
Bekos |
|
Sinaunang tao na naninirahan sa Syria at Mesopotamia |
Aramean |
|
Ang pangyayari ay matatagpuan sa Aklat ng Genesis |
Tore ni Babel |